Muling binuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin ng parusang death penalty sa bansa para sa mga drug convicts.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), nagpahiwatig ang pangulo sa mga representative ng dalawang kapulungan ng Kongreso para ipasa ang batas ng parusang bitay.
“I reiterate the swift passage of the law reviving the death penalty by lethal injection for crimes specified under the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” ani Duterte.
Kung maaalala, taong 2006 nang suspendihin ng pamahalaan ang death penalty, na dati ay parusa sa mga may salang drug trafficking at iba pang seryosong krimen.
Hindi ito ang unang beses na isinulong ng pangulo ang pagbabalik ng death penalty, dahil sa kanyang huling SONA ay kabilalng ito sa priority bills na kanyang binanggit.