-- Advertisements --
Pumirma ng extension ng kontrata sa Los Angeles Clippers si All-Star NBA forward Kawhi Leonard.
Kinumpirma ito ng Clippers subalit hindi na sila nagbigay pa ng detalye.
Lumabas ang ilang ulat na nagkakahalaga ang kontrata ng $152.4 milyon magtatagal ng 2026-2027 season.
Si Leonard na isinilang sa Los Angeles ay kinuha ng Clippers bilang free agent noong 2019 kung saan pumirma ito ng apat na taon na nagkakahalaga ng $176.27 milyon.