-- Advertisements --
Nagpahayag na ng pagtanggap sa pagkatalo sa halalan si labor leader Leody de Guzman.
Aminado itong naging mabigat ang hamon ng halalan, ngunit kanila itong pinagsikapang kayanin.
Nagpasalamat naman siya sa mga tagasuporta at nangakong ipagpapatuloy ang pagtatanggol sa sektor ng mga manggagawa.
Samantala, nag-concede na rin si vice presidential candidate Sen. Tito Sotto.
“The people have made their choice. I accept the will of the people,” wika ni Sotto.
Kinilala niya ang mahigit walong milyong sumuporta sa nagdaang halalan.
Sa ngayon, magpapahinga muna umano siya, matapos ang mahabang panahon ng paglilibot sa mga lalawigan.