-- Advertisements --

Pumanaw na ang gitarista ng British band na Fleetwood Mac na si Peter Green sa edad 73.

Hindi naman binanggit ng mga kaanak nito ang sanhi ng kamatayan ng tinaguriang influential blues guitarist.

Isa kasi s Green sa nagtayo ng banda kasama ang drummer na si Mick Fleetwood sa London noong 1967.

Pinasikat ng banda ang kantang “Albatross” at “Oh Well” noong dekada ’70.

Si Green ang sumulat ng kantang “Black Magic Woman” na kinanta ni Carlos Santana noong 1970.

Taong 1998 ng tinanghal si Fleetwood sa Rock & Roll Hall of Fame kasama ang kaniyang banda.

Tinanggal siya sa banda noong 1970 dahi lsa substance abuse at mental healt issue.

Isinilang si Peter Greenbaum sa tunay na buhay sa London.

Nagbigay naman ng kanilang pakikidalamhati ang mga celebrities sa pagpanaw ng singer.

Pinangunahan ito ni The Smiths guitarist at songwriter Johnny Marr na nagpost ng larawan ni Green sa kaniyang social media.

Tinawag naman na unsung heroes of musical integrity, innovation at spirit ng singer na si Cat Stevens si Green.