-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang French fashion designer Pierre Cardin sa edad 98.

Ayon sa kaniyang mga kaanak na nalagutan na ito ng hininga sa pagamutan sa Neuilly malapit sa Paris.

Hindi naman na binanggit pa ng kampo nito ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Bukod sa pagiging fashion designer ay naging pangunahing negosyante na rin ito sa kaniyang mga produkto gaya ng sunglasses.

Isinilang sa siya sa Italy noong 1922 bago lumipat sa France noong bata.

Sinimulan niya ang kaniyang fashion career sa Paris kung saan naging katrabaho niya sina Schiapelli at Dior.

Sila rin ang gumawa ng costumes para kay Jean Cocteau sa pelikulang Beauty and the Beast noong 1946.