-- Advertisements --

Inanunsiyo ng legendary country musician na si Toby Keith na ito ay may cancer.

Sa kaniyang social media, sinabi nito na patuloy ang ginagawa nitong pagpapagaling.
Na-diagnosed aniya ito ng stomach cancer noong nakaraang buwan.

Sa nagdaang anim na buwan ay sumailalim ito ng chemotherapy, surgery at radiation.

Dahil dito ay titigil muna siya sa
pagsasagawa ng mga concerts at pagtutuunan niya ng panahon ang pamilya.

Tiniyak naman nito sa mga fans na agad siyang babalik sa mga concerts kapag ito ay tuluyang gumaling.