-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakahanda ang lungsod ng Legazpi na mag-accomodate ng dagdag na “players” na magsusuplay ng tubig matapos aprubahan ng alkalde ang resolusyon na nagdedeklarang nasa krisia ang lugar sa potable water supply.

Sapat na rason na anoya ang hindi nami-meet na mga factors ng kasalukuyang supplier na PhilHydro upang maghanap ang Legazpi ng dagdag na supplier ng bulk water supply.

Ayon kay Mayor Noel Rosal sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kailangang masolusyunan ang problema lalo na at ang kalidad ng suplay ang nakasalalay.

Paliwanag ng alkalde na sa kasalukuyang distributor o supplier ng tubig na PhilHydro, nasa 15,000 cubic meters lamang ang naisusuplay kumpara sa 25, 000 na requirement sa kada araw.

Sa pagpasok ng bagong water supplier, isa sa mga ito ang nakatakdang magsuplay ng 3,000 cubic meters sa isang araw habang tig-10, 000 cubic meters sa dalawang iba pa.

Nagbabala pa ang alkalde sa PhilHydro na magsasampa ng kaso kun hindi aayusin ang suplay lalo na at mula ito sa natural resources at hindi commodity.