Binalaan ni House Deputy Speaker Loren Legarda ang mga barangay at local government units hinggil sa posibleng kaharaping mga parusa dahil sa hindi wastong disposal ng mga basura, partikular na ng mga nakakalason at hazardours na medical wastes.
Sinabi ito ni Legarda matapos na magpositibo sa COVID-19 kamakailan ang walong kabataang naglalaro sa lugar kung saan illegal na itinapon ang mga ginamit ng hiringilya o syringe, facemasks, nagamit ng antigen test kits, vials ng blood at urine samples at PPEs sa tabing dagat ng Virac, Catanduanes.
Base sa report ng Municipal Environment and Natural resources, nakitaan ng maraming mga paglabag sa umiiral na batas ang isang diagnostic center na iligal na nagtatapon ng hazardous wastes nito sa baybayin ng Barangay Concepcion sa Virac, Catanduanes.
Ayon kay Legarda, may-akda ng Republic Act No. 9003, o ang Ecologidal Solid Waste Management Act of 2000, maaring makasuhan at mapatawan ng mabigat na parusa ang sinumang lalabag sa naturang batas.
Gayunman, pinapayuhan ng kongresista ang publiko na huwag talagang pulitin o paglaruan ang mga medical waste upang sa gayon ay hindi rin sila mahawa sa anumang virus.
Hinimok rin niya ang taumbayan na kaagad isumbong ang sinumang makikitang iliga na nagtatapon ng kanilang mga hazardous waste sa kung saan-saan lang.