-- Advertisements --

Sinimulan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang legal preparations para sa paglilipat ng mga preso na convicted ng heinous crimes sa isang secured at isolated na lugar.

Sa ilalim kasi ng Republic Act No. 11928 na nag-lapsed into law noong July 30, layunin nito na matugunan ang problema sa siksikan sa loob ng mga bilangguan na pinapangasiwaan ng BuCor nationwide.

Ayon kay BuCor Deputy Director General Gabriel P. Chaclag, bubuo sila ng isang technical working group para simulan ang pagbalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) ng naturang batas.

Saad ni Chaglag na ang naturang grupo ay binubuo ng mga kinatawan mula sa BuCor at Department of Justice (DOJ).

Una ng inihayag din ni DOJ Secretary Jesus Crispin C. Remulla na target na gamitin para sa pagtatayuan ng jail facility sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro.

Pinaplano din na maglagay ng jail facility para sa heinous crime convicts sa penal farms ng BuCor sa Leyte Regional Prison at San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City.