-- Advertisements --
Nagsama si Japanese tennis player Naomi Osaka at NBA star LeBron James para ilunsad ang bagong media company.
Tinawag nila itong “Huma Kuma” o ibig sabihin ay “Flower Bear” na gagawa ng mga kuwento tungkol sa kultura pero mayroong malaking epekto sa lahat.
Ayon kay four-times Grand Slam champion na si Osaka na sabik na ito na mamamhagi ng kuwento na magiging inspirasyon ng mga tao.
Ang dalawa ay mayroon ng sports agency na Evolve na ang pinakahuling manlalaro na kanilang napapirma ay si Australian tennis player Nick Kyrgios.