-- Advertisements --
image 38

Binabantayan ng Laguna Lake Development Authority(LLDA) ang lebel ng tubig sa Laguna de Bay.

Ito ay kasundo na rin ng naitalang pag-apaw nito, na inaasahan pang lalong tataas, dala ng patuloy na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang na ang Rizal, Laguna, at Metro Manila.

Tinukoy ng LLDA ang pag-apaw ng tubig sa tatlong station nito, mula sa kabuuang 4 na station.

Kinabibilangan ito ng South Bay monitoring station na nakapagtala ng 11.79 mters.

Umaabot naman sa 11.77meters ang naitala sa East Bay habang 11.8m ang naitala sa West Bay.

Sa mga monitoring stations nito, tanging ang Central Bay na lamang ang wala pang naitalang pagtaas ng tubig.

Dahil dito, inaabisuhan ng LLDA ang publiko na malapit sa Lawa na patuloy na imonitor ang sitwasyon at agad lumikas kung kinakailangan.