Binigyan diin ng Department of Science and Technology na ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay sapat na para tumagal hanggang tagtuyot sa gitna ng patuloy na El Niño phenomenon.
Ayon sa DOST, ang kasalukuyang elevation ng Angat na ay higit sa normal na taas ng tubig nito.
Sa kabila ng mas mababa sa average na bilang ng mga tropical cyclone na pumasok sa bansa ngayong taon, may sapat na pag-ulan dahil sa iba pang mga weather disturbances tulad ng mga low-pressure area at ang shear line.
Matatandaang binuksan ng Angat ang isa sa mga gate nito upang dahan-dahang magpalabas ng tubig dahil sa lampas na ang normal na lebel ng tubig.
Gayunpaman, hinimok ng DOST ang publiko na magtipid ng tubig at enerhiya, lalo na sa tag-araw, upang matiyak ang sapat na supply sa mga susunod pang buwan.
Sinabi ng nasabing departamento na ang Metro Manila at mga karatig na lugar na umaasa sa Angat ay maaaring maharap sa mga problema kapag bumaba ang tubig ng reservoir sa 180 meters pababa.