-- Advertisements --

Patuloy na tumataas ang lebel ng tubig sa Angat Dam matapos ang mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

Batay sa monitoring ng Pagasa, tumaas sa 161.45 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga mula sa 161.35 meters na naitala kahapon, Hulyo 20.

Maging ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam ay umakyat din sa 73.37 meters mula sa 73.21 meters noong Sabado.

Nabatid na karamihan sa water supply ng Metro Manila mula sa Angat at La Mesa dams.

Samantala, umakyat din ang lebel ng tubig sa iba pang dams katulad na lamang ng Ambuklao, Binga at Pantabangan.

Pero ang water level sa Ipo, San Roque, Magat at Calirayas dams ay bumaba.