-- Advertisements --
image 72

Inaasahang aabot sa pinakamataas na elevation ang lebel ng tubig sa Angat Dam na 213 hanggang 214 metro dahil mas maraming bagyo ang inaasahang papasok sa bansa bago matapos ang taon.

Batay kasi sa forecast ng Department of Science and Techonology, hindi bababa sa anim hanggang walong bagyo ang papasok sa bansa hanggang Disyembre.

Kaya naman, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System, posible na maabot ng Angat Dam ang maximum capacity nito bago ang tag-init ng 2024.

Dagdag pa dito, inaasahang aabot sa 200 metro ang lebel ng tubig ng dam sa lalong madaling panahon.

Ang Angat Dam ay nagsusuplay ng higit sa 90% ng tubig na kailangan ng Metro Manila at nagbibigay ng mga pangangailangan sa irigasyon ng 25,000 ektarya ng mga bukirin sa Bulacan at Pampanga.

Kung matatandaan, unang dumepensa ang MWSS na magpakawala ng tubig mula sa Ipo Dam sa Bulacan, at sinabing ang kanilang ginawang hakbang ay kailangang tiyakin ang integridad ng nasabing water reservoir.