Tatlong kumpirmadong kaso ng Mpox ang naitala sa Alabel, Sarangani batay sa datos na inilabas ng kanilang Provincial Health Office.
Kinumpirma ng Provincial Health Office na ang unang kaso ay kinabibilangan ng isang 73 anyos na matandang babae na may travel history mula sa Polomolok, South Cotabato.
Una nang na diagnosed ang matandang babae initially na mayroong chickenpox sa isang ospital sa nasabing bayan.
Bumalik ang matanda sa Alabel at doon nakaranas ng pananakit ng katawan kaya’t naisipan nitong magpa check-up muli.
Dito ay nakumpirma na mayroon siyang sintomas ng mpox matapos ang isinagawang confirmatory test.
Ang pangalawang kaso ay isang 28 anyos na babae na mayroong travel history sa General Santos City.
Makalipas ang ilang araw ay nagkaroon ito ng rashes sa katawan . Matapos na makitaan ng sintomas ng MPOX ay kaagad itong isinailalim sa isolation.
Isang 37 anyos adult na babae rin ang pangatlong kaso ng sakit sa lugar na walang travel history.
Batay sa latest data ng Provincial Health Office, aabot na sa 21 na suspected cases ng mpox ang kanilang binabantayan sa lalawigan.
Muli naman itong nagpaalala sa publiko na kaagad na magpa konsulta sa doktor kung makaranas ng mga sintomas nito.