-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na kontrolado ng ahensya ang pagtaas ng kaso ng Monkeypox (Mpox) sa bansa, sa kabila ‘yan ng muling pag-sipa ng bilang nito sa ilang lugar.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, mas mababa pa rin ang bilang ng mga kaso ngayong taon kumpara sa parehong panahon noong 2024.

Dagdag pa ni Herbosa sa isang panayam na pinalakas ng DOH ang kampanya nito sa edukasyon, paggamot, at isolation upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Samantala hindi naman tinukoy ng kalihim kung saang mga lugar naiulat ang mga bagong kaso ng Mpox, ngunit sinabi niyang ang mga ito ay nasa Clade II variant, nangangahulugang mas mild at karaniwan na kusang gumagaling at hindi nangangailangan ng malawakang intervention.

Kinumpirma rin ng DOH na hindi kasama ang Pilipinas sa mga bansang sakop ng Public Health Emergency of International Concern na idineklara ng World Health Organization (WHO), na naka-sentro lamang aniya sa mas nakahahawang Clade Ib variant.