-- Advertisements --

Bumaba muli ang lebel ng tubig sa Angat Dam, na siyang main source ng tubig ng Metro Manila.

Ayon sa Pagasa, ang water level sa Angat Dam ay nasa 161.22 meters hanggang kaninang umaga.

Mas mababa ito kung ikumpara sa 161.45 meters na naitala naman kahapon ng umaga, ayon sa state weather bureau.

Nauna nang umabot sa critical level na 160 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Pero dahil sa mga pag-ulan na hatid ng Tropical Depression “Egay” at sa southwest monsoon sa mga nakalipas na araw, bahagyang tumaas ang water level sa Angat Dam at lumagpas ng kaunti sa critical level.

Sa kabila nito, sinabi ng Manila Water na magpapatupad pa rin sila ng rotational water service interruptions para sa mga customers nito.