Tuluyan nang lumagpas sa Normal Water Level ang antas ng Angat Dam matapos ang sunod-sunod na mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.
Batay sa datus mula sa Department of Science and Technology, sa kasalukuyan ay umaabot na ito sa 181.64 meters, o 1.64 meters na mas mataas kumpara sa normal operating level ng nasabing dam.
Batay sa record ng Angat Dam noong Lunes, Hulyo 24, bago ang malalakas na pag-ulan sa bansa, nasa 180. 79 meters lamang ito.
Una nang pinapangambahan ang labis na pagbaba ng tubig ng nasabing dam, dahil sa mga nakalipas na araw ay tuluyan pang bumaba ang water level nito, ilang metro mula sa normal operating level.
Sa kasalukuyan, nakapagtala na rin ng pagtaas ng lebel ng tubig sa iba pang malalaking dam sa buong Luzon na kinabibilangan ng Binga Dam, Pantabangan Dam, at Magat Dam.
Sa likod naman ng malalakas na pag-ulan, nakapagtala pa rin ng pagbaba sa lebel ng tubig sa ilang mga Dam. Kabilang na dito ang Ipo, La Mesa, Ambuklao, at ang Caliraya.