-- Advertisements --
image 201

Matapos ang mahaba-habang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, nagsimula nang maitala ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam, na pangunahing pinagkukuhanan ng magagamit na tubig ng mga residente ng National Capital Region.

Batay sa datus kaninang 8am, umabot na lamang sa 199 meters ang lebel ng Angat mula sa mahigit 100 meters na lebel ng tubig nito s amga nakalipas na araw.

Gayonpaman, malayo pa rin naman ang lebel nito mula sa 180 meters na minimum operating level.

Maliban sa Angat Dam, nakitaan na rin ng pagbaba ang lebel ng tubig sa Ipo Dam na ngayon ay malapit nang maabot ang below-100 meters.

Nakitaan din ng pagbaba ng tubig sa iba pang mga dam sa Luzon na kinabibilangan ng Ambuklao at Binga sa bahagi ng Cordillera, Caliraya sa Laguna, San Roque sa Pangasinan, at Magat Dam sa Cagayan Valley.

Sa kabila nito, patuloy naman ang pagpapakaawala ng tubig sa Ambuklao at Binga, na sa kasalukuyan ay mayroong tig-isang gate na nakabukas.