Kinumpirma ng Lebanon ang unang kaso nila ng coronavirus.

Ayon kay Lebanese health minister Hamad Hassan, agad na dinala sa isolation ang 45-anyos na babae pagkalabas ng eroplano mula ng dumating sa Qoum city, Iran.

Bukod pa sa biktima, dalawang iba pa ang iniimbestigahan na dinapuan ng virus.

Nasa Rafik Hariri University Hospital sa Bierut ang babaeng pasyente habang ang dalawa na galing sa Qom flight ay ililipat sa pagamutan para sa quarantine.