Isinailalim na sa Alert Level 3 (voluntary repatriation) ang bansang Lebanon, ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.
Nauna nang inihayag ng Department of Foreign Affairs ang posibilidad na itaas ang alert level sa gitna ng tumataas na tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah ng Lebanon dahil sa pag-atake ng Hamas.
Ang mga rocket na pinaputok mula sa katimugang bahagi ng Lebanon ay nag-udyok sa pagtugon ng artillery fire mula sa Israel, na naglagay sa mga overseas Filipino workers sa Lebanon sa panganib.
Hinimok na ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Pilipinong nakatira malapit sa southern area ng bansa na magsagawa ng preemptive evacuation.
Sinabi ng DFA, Mahigit 17,500 na mga Pilipino ang naninirahan sa Lebanon, kung saan 67 ang naninirahan sa border kung saan nakatalaga ang kaalyado ng Hamas na Hezbollah.