-- Advertisements --
Pumanaw na ang lead vocalist ng bandang Bad Company na si Brian Anthony Howe sa edad 66.
Ayon sa anak nitong si Michael, dumanas ito ng cardiac arrest at namatay na habang dinadala na ito sa pagamutan.
Una ng inatake sa puso ang singer noong 2017.
Nagsimula ang career ni Howe ng magtrabaho ito sa Ted Nugents noong 1984 sa “Penetrator” album.
Pinalitan niya si Paul Rodgers bilang lead vocalist ng Bad Company kung saan halos lahat ng kanta sa kanilang album na “Holy Water” noong 1990 ay kaniyang sinulat na naging platinum sa Top 40.
Ilan sa mga kantang pinasikat nito ay ang “If You Needed Somebody”.
Taong 1994 ng umalis sa banda Howe.