Dinepensahan ng Taguig LGU ang pag-aakusa ng Pamahalaang lungsod ng Makati dahil sa umano’y pag-angkin sa lupa.
Ayon sa alkalde ng lungsod na si Mayor Lani Cayetano walang karapatan ang Makati na akusahan ang Taguig patungkol sa pagangkin ng lupa dahil ang Korte Suprema anya mismo ang nagsabi na ilegal ang paguukupa ng Makati ng mahigit sa tatlong (3) dekada kabilang na nga ang 10 EMBO barangay.
Aniya, na maging ang parke o ang Makati Park ay maari ring gamitin ng mamamayan ng EMBO na isinara din at nararapat lamang na buksan para sa publiko at hindi ito dapat gawing tambakan lamang.
Nananawagan ang Taguig LGU na bigyang daan ng Makati ang matiwasay na pamamahala ng Taguig kaysa patuloy na bitbitin ang galit dahil sa pagkatalo sa kaso at pagkawala ng 10 EMBO barangay.