Tinawanan na lamang ni Broadway star Lea Salonga ang pagkakamali ng UK news anchor na si Stephen Dixon nang ipakilala niya ito bilang si Anna Hughes, isang environmental campaigner.

Nag guest si Lea sa Sky News morning show upang ipromote ang kaniyang concert tour.

Makikita sa mukha ng singer ang pagkagulat sa nangyari ngunit kalmado niyang itinama ang nasabing pagkakamali ng news anchor.

Depensa naman ni Dixon na nagtataka raw siya habang binabasa ang script sa teleprompter dahil batid nito na mang-aawit ang kanilang bisita.

Matapos nito ay nag cue ng break para sa programa ang news anchor.

Si Lea Salonga ay kilala sa buong mundo dahil sa kaniyang husay sa pag-awit sa larangan ng teatro. Minsan na rin itong kinuha upang maging boses ng dalawang Disney princesses na sina Princess Jasmine at Mulan.