-- Advertisements --

Bilang bahagi ng hangarin nitong mapuksa ang pagkalat ng maling impormasyon, maglulunsad ang isang grupo ng lawyers-volunteers na sumusuporta sa posibleng pagtakbo ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa 2022 ng libreng online legal assistance program at disinformation desk.

Ito ang ipinabatid ni Atty. Ram Ramos, na nagsasabing isasabay nila ang simula ng dalawang malaking aktibidad ng grupo sa opisyal na virtual launching ng “Lawyers for Leni” sa Biyernes Agosto 27 dakong alas-11 ng umaga sa Facebook page nito at sa pamamagitan ng Zoom.

“As lawyers, we have seen how respect for the rule of law has deteriorated in the past five years. A lot of times, the law was used to serve personal interests of a few instead of being an instrument to bring social justice,” wika ni Ramos, spokesperson ng “Lawyers for Leni.”

Iginiit ni Ramos na ang pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni VP Leni Robredo ay makatutulong sa pagbuhay ng pag-iral ng batas, na mahalaga sa isang demokratikong lipunan gaya ng Pilipinas.

Bilang kapwa abogado na nagsimula sa pagsisilbi sa mahihirap, sinabi ni Ramos na taglay ni Robredo ang political will para pakilusin ang mga legal na institusyon ng bansa para sa kapakanan ng taumbayan at ng Pilipinas.

Sa launching, magbibigay ng mensahe ng pagsuporta sa kandidatura ni Robredo ang ilang personalidad sa legal community gaya ni dating Supreme Court spokesperson Atty. Ted Te, legal luminaries na sina Dean Mel Sta. Maria at asawa niyang si Atty. Ampy Sta. Maria.

Tampok na bahagi ng launching ang pagbasa sa Manifesto of Support ukol sa panawagan kay Robredo na tumakbo bilang Pangulo sa 2022.

“As of today, we have almost 300 signatures from lawyers who support Leni Robredo,” ani Ramos.