-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kulong ang isang sundalo matapos nagpaputok ng baril sa Hibao-an, Mandurriao, Iloilo City.

Ang arestado ay si Garry dela Cruz, residente ng Pulo Maestra Vita Oton, Iloilo at nakadestino sa Southern Negros.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na naka ‘on leave’ ang sundalo ng mangyari ang pamamaril.

Tiniyak naman ni Pancito na sasampahan ng kaso ang sundalo.

Napag-alaman na mismo ang mga pulis na nakatalaga sa quarantine control point sa Mandurriao ang humuli kay dela Cruz kung saan nakuha sa posisyon nito ang .45 caliber pistol.