ILOILO CITY – Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos umanong makuryente sa Barangay San Jose, San Miguel, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Mark Von Soliva, 30-anyos, ng Igcabito-on, Miag-ao, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Jojo Tabaloc, hepe ng San Miguel Municipal Police Station, sinabi nito na nakikipag-inuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nagpaalam ang biktima na iihi, ngunit hindi na nakabalik pa.

Kinaumagahan, natagpuan na lang ang biktima na wala ang buhay kung saan pinaniniwalaan na nakuryente ito habang umiihi sa poste.

Nakita naman ang kable ng kuryente sa paa ng biktima.