-- Advertisements --
ISRAEL RUINS

Nagsasagawa ngayon ang Israel Defense forces ng large-scael strike sa Hamas targets sa Gaza sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa ika-anim na araw.

Ayon sa tagapagsalita ng Israeli military na si Jonathan Concirus nagpapatuloy ang air strikes ng Israel sa gaza kung saan tinataret ng kanilang military jets ang underground network na ipinatayo ng militanteng Hamas na nagsisilbi nilang kuta.

Aniya, ang ginagawa ng Hamas mula ng makontrol nila ang lugar halos 20 taon na ang nakakalipas ay magtayo ng mga tunnels o underground mula sa Gaza city at sa ilalim ng Gaza city patungo sa Khan Yunis at Rafah.

Sinabi din ng Israeli official na ang Gaza strip ay may dalawang layers, ang isa ay para sa mga sibilyan sa ground level habang ang ikalawang underground layer naman ay para sa Hamas.

Kung kayat ang kanilang ginagawa ngayon ay marating ang ipinatayong kuta ng Hamas.

Samantala, umapela naman ng ceasefire ang miyembro ng Palestinian Parliament upang matapos na ang lumalalang humanitarian crisis sa mataong lugar sa Gaza.

Aniya, hindi magreresulta sa kapayapaan ang nagpapatuloy na aurial bomradment ng Israel sa Gaza.

Gayundin ang hindi makataong gawain ng lahat ng Palestinian at hindi makakalutas sa problema.

Nanawagan din ito para sa agarang pagpapalitan ng mga bilanggong Palestinian upang mapalaya na ang mga bihag na Israelis ng Hamas.

Giit nito nanang immediate 2-state solution ang pinakamainam na paraan para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa pagitan ng Israel at Palestinian.