-- Advertisements --
hk covid

Nagbabala si Hong Kong leader Carrie Lam na posibleng hindi na kayanin ng hospital system sa naturang teritoryo ang muling pagdami ng kaso ng coronavirus disease.

Dahil dito ay hindi raw malayong makaranas ng large-scale community outbreak ang Hong Kong kung kaya’t hinihikayat ni Lam ang lahat na manatili lamang sa loob ng kanilang mga bahay at panatilihin ang social distancing.

Simula kahapon ay naging epektibo na ang mandatory na paggamit ng face masks at pagsasara ng mga dine-in restaurants.

Ipinag-utos din nito ang muling pagsasara ng mga bar, gym at beauty parlors sa buong Hong Kong.

Sa ngayon ay nasa 2,885 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa Hong Kong at 23 na ang nasawi.