Dumating na sa bansa si Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith.

Bandang alas-10:40 ngayong umaga ng lumapag sa Clark International Airport ang Lao Airline ns iyang flag carrier ng bansang Laos.

Si Energy Secretary Alfonso Cusi ang sumalubong kay Sisoulith.

Si Sisoulith ay isang Laotian politician na naging Prime Minister ng Laos mula 2016.

Siya ang dating Deputy Prime Minister mula 2001 hanggang 2016, at naging Minister of Foreign Affairsdin mula 2006 hanggang 2016.

Kabilang si Sisoulith sa mga world leaders na dadalo sa ASEAN Summit.

Kahapon una ng dumating sina Cambodia – Prime Minister Hun Sen at Myanmar – State Counselor Aung San Suu Kyi.