Nakahanda na ang mga bakwit mula sa Barangay Masara sa Maco, Davao de Oro na lumipat sa temporary shelter area na ibinigay ng lokal na pamahalaan.
Ito matapos ipahayag ng pamahalaang panlalawigan na mahigpit nitong ipatutupad ang patakarang “no-build zone” sa komunidad na natabunan ng malawakang landslide na ikinasawi ng hindi bababa sa 92 katao noong Pebrero 6, 2024.
Habang ang pag-alis sa isang lugar na tinitirhan nila sa loob ng maraming taon ay maaaring mahirap, sinabi ng mga evacuees na kailangan nilang sundin ang utos ng gobyerno.
Kasalukuyang inihahanda ng mga awtoridad ang relocation site sa Barangay Elizalde.
Dito itatayo ang tent city na magsisilbing temporary shelter area ng mga apektadong residente.
Samantala, binigyan ng Department of Education (DepEd) ng 15 araw ang mga evacuees para manatili sa mga paaralang nagsilbing evacuation centers.
Ayon sa ahensya , handa silang ipagpatuloy ang negotiation kung wala pa talagang nahanap na lugar kung saan pwedeng paglipatan ng mga evacuation.