-- Advertisements --

NAGA CITY- Matapos ang pananalasa ng bagyong Ambo nakapagtala umano ng landslide ang probinsya ng Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Melchor Averilla, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)-Quezon, sinabi nito na nakaranas ng pagguho ng lupa ang nasa bahagi ng mga minor roads ngunit wala namang naiulat na naapektuhan.

Ayon kay Averilla, may ilang mga tahanan naman ang naiulat na nasira dahil sa bagyong Ambo.

Kaugnay nito, wala naman aniyang naitalang naging malalang problema kasabay ng pananalasa ng bagyo dahil nagin maagap naman ang lokal na gobyerno sa pagpapangasiwa ng mga residenteng kinailangang ilikas.

Dagdag pa nito, tinatayang mahigit 3,800 pamilya ang kabuuang bilang ng mga lumikas sa nasabing lugar.

Sa ngayon nakatakda nang bumalik sa kanilang mga bahay ang nasabing mga residente sakaling bumalik na sa normal ang panahon sa lugar.