
Kinumpirma ng Pagasa na nag-landfall na kaninang alas-9:00 ng gabi ang sentro ng bagyong Pepito sa bahagi ng San Ildefonso Peninsula sa Casiguran, Aurora (16.0°N, 122.0°E).
Ayon sa mga residente dakong alas-5:00 pa lamang ng hapon ay naramdaman na ang pagbugso ng hangin at ulan.
Iniulat naman ng tanggapan ng provincial risk reduction council na mula moderate hanggang heavy rainfall ang kanilang naranasan.
Pagasapit daw ng alas-10:00 ng gabi ay halos humupa na ang ulan.
Habang sinusulat ang balitang ito wala namang naitala rin na mga pagbaha sa lugar.
May naitala namang paglikas sa ilang coastal areas pero miniman lamang daw ito.
Tinukoy naman ng Pagasa na umabot sa 75 kph ang lakas ng hangin malapit sa gitna at merong pagbugso na umaabot sa 90 kph si “Pepito” nang mag-landfall sa nabanggit na lugar.
Kabilang naman sa mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone wind signal No. 2
ay ang La Union, Pangasinan, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, southern portion ng Isabela, southern portion ng Ilocos Sur, northern portion ng Zambales, northern portion ng Bulacan, Pampanga at Polilio Islands.
Ang mga lugar naman na naasa ilalim ng ng signal number 1 ay ang Abra, Kalinga, Mountain Province, Bataan, Metro Manila, Rizal, iba pang bahagi ng northern portion of Quezon, bahagi ng Ilocos Sur, bahagi ng Isabela, ibang parte ng Pampanga, iba pang bahagi ng Bulacan gayundin ibang bahagi ng Zambales.
















