-- Advertisements --

Inanunsiyo ng government-run na Land Bank of the Philippines (Landbank) ang pagkakaroon ng digital savings account.

Layon nito ay para isulong ang mga overseas Filipino workers (OFW) na magkaroon ng financial independence.

Nakatakdang ilunsad nila ang GoBayani na isang digital deposit account na magbibigay ng access sa mga OFW sa mga digital banking services at para mapalakas ang financial power ng mga migrant workers.

Sa nasabing programa ay maaring makapag-transact ang mga OFW online gaya ng fund transfers, bills payments at ilang mga government transactions.