-- Advertisements --

Tahasan nang sinabi ni U.S. President Donald Trump na hindi na niya nais palawigin pa ang umiiral na ceasefire sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, kasabay ng babala na maaaring muling umatake ang Amerika kung walang maaabot na kasunduan sa lalong madaling panahon.

Sa sa isang panayam, sinabi ni Trump na mas mainam para sa Amerika na manatili bilang “strong negotiating position” at umasa na makakakuha ng tinawag niyang “great deal” sa Iran.

“I don’t want to do that. We don’t have that much time,” ani Trump nang tanungin tungkol sa posibilidad ng pag-extend ng ceasefire.

Ayon sa ulat, kumpiyansa ang Washington na magpapatuloy parin ang peace talk sa Pakistan, habang may pahiwatig din mula sa isang opisyal ng Iran na pinag-aaralan ng Tehran ang posibleng paglahok sa mga negosasyon.

Gayunpaman, sinabi ni Trump na handa ang Estados Unidos na ipagpatuloy ang military operations kung mabibigo ang negosasyon.

“I expect to be bombing… the military is raring to go,” dagdag niya, na nagdulot ng pangamba sa posibilidad ng muling paglala ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa ngayon, nananatiling hindi pa tiyak kung matutuloy ang huling pag-uusap ng peace talks, habang patuloy ang diplomasya sa gitna ng tensyon sa rehiyon.