-- Advertisements --
license plate

Nagpaliwanag ngayon ang Land Transportation Office (LTO) hinggil pa rin sa matagal nang isyu hinggil sa sangkaterbang backlog ng ahensya pagdating sa paglalabas ng plate number at driver’s license sa bansa.

Ito ay matapos nga na pumalo na sa mahigit 11 million motorcycle license plate at 92,000 driver’s license ang backlog ng nasabing kagawaran.

Ayon kay LTO chief, Asec. Jose Arturo Tugade, isa sa mga dahilan nito ay ang pagkasira ng maraming laser engravers na pangunahing ginagamit sa paggawa ng mga lisensya at plaka.

Ito ang dahilan kung bakit hindi aniya makapag-isyu o imprenta ng mga driver’s licens ang ilan sa kanilang tangggapan na nasa mga probinsya.

Kung kaya’t patuloy ang kanilang panawagan sa publiko na huwag nang magtungo pa sa mga opisinang mayroong depektibong laser engravers upang hindi na aniya masayang pa ang kanilang mga oras at araw sa pag-aasikaso nito.

Samantala, nilinaw naman ng nakababatang Tugade, sa ngayon ay nasa Bureau of Customs (BOC) na raw ang mga piyesang kanilang kinakailangan para sa repairing ng mga ito na posible namang tumagal pa hanggang Pebrero 1, 2023.

Hanggang sa kasalukuyan kasi ay wala pa rin aniyang pondo ang naturang ahensya para sa pambili ng bagong mga yunit ng nasabing makina.