-- Advertisements --

Umalma si Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong sa umano’y kawalan ng cultural sensitivity at pambabastos sa paniniwala ng mga Muslim matapos pinagmukhang “Kaaba” ng isang kalahok ang dog carrier ng kaniyang aso sa isinasagawang pet fashion show na ginanap sa isang mall sa Quezon City.

Sinabi ni Adoing na ang ‘Kaaba’, na siyang itinuturing na bahay ni “Alla”, ay makikita sa puso ng Masjid al-Haram sa Mecca, ang pinakasagradong lugar para sa mga Muslim.

Pagbibigay-diin ng mambabatas na ipinapakita ng pangyayari ang kawalan ng kaalaman sa paniniwala at pagbalewala sa mga Muslim.

Hiniling naman ng mambabatas sa pamunuan ng mall gayundin sa National Commission on Muslim Filipinos na magsagawa ng imbestigasyon sa kawalan ng cultural sensitivity sa event at tiyakin na hindi na mauulit pa ang insidente.