CAGAYAN DE ORO CITY – Hiningi ng League of Municipal Mayors of the Philippines – Lanao del Sur Chapter kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kung maari mabigyang prioridad ng Armed Forces of the Philippines at Moro Islamic Liberation Front ang pagtulong ukol sa pagka-ambush sa convoy ni incumbent Provincial Governor Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr na ikinasawi ng kanyang apat na tauhan sa bayan ng Maguing ng lalawigan.
Ito sa ay kabila ng patuloy na pagsasagawa ng pulisya ng imbestigasyon batay sa nabuo na Special Investigation Task Group na nangunguna para maisampa ang kaukulang mga kasong kriminal laban sa hindi baba 10 armadong kalalakihan na nasa likod ng kremin.
Sinabi ni Lanao del Sur LMP president Atty. Dimnatang Pansar na sa pamamagitan ng aktibong mekanismo na umiiral sa pagitan ng militar at MILF ay malaking tulong ito para mabilis makamtan ang hustisya para sa pamilya ng gobernador.
Magugunitang hindi nagbigay ng anumang haka-haka ang pamilya Adiong bagkus ay ipinagkatiwala nila sa pulisya ang lahat para sa agaran na pagka-resolba ng pangyayari.
Magugunitang apat na kinabilangan ng tatlong pulis at sibilyan ang agad nasawi nang paulanan ng mga bala ng mga suspek ay convoy ng gobernador habang dumaan sa kahabaan ng Maguing para sana dadalo sa taunang town founding anniversary ng Wao,Lanao del Sur nitong buwan.