-- Advertisements --

Kalibo Aklan– Kinumpira ng Provincial Health Office (PHO)- Aklan na nakapagtala ng pinakaunang kaso ng local transmission ng coronavirus disease o COVID 19 ang lalawigan ng Aklan.

Ayon sa inilabas na official statement ng PHO- Aklan na matapos ang pagsusuri ay napagalaman na isang local transmission ang nangyari sa case # 34 na hospital staff ng Aklan Provincial Hospital.

Ang nasabing babaeng staff ng ospital ay nakaramdam ng sitomas ng sakit noong Augosto 31 hanggang September 8, 2020 kung saan may history ng lagnat sa loob ng dalawang araw.

Wala naman itong history of travel sa labas ng probinsiya sa loob ng dalawang linggo at wala namang history ng Exposure sa suspect, probable at confirmed case ng sakit.

Dahil dito, muling nanawagan ang mga health authorities sa publiko nga sundin ang mga health protocols lahat ng oras.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang monitoring at active survielance sa COVID 19 sa buong lalawigan.