KORONADAL CITY – Patay ang isang lalaki matapos sinalo nito ang bala na para sana sa kaniyang kapatid sa nangyaring pamamaril sa Lake Sebu, South Cotabato.
Kinilala ang biktima kay alyas Jun, nasa legal na edad at residente ng Barangay Ned ng naturang bayan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Renante Cabrito, kamag-anak ng biktima, ikinuwento nito na ang umano’y target ng pamamaril ay kaniyang tiyuhin na si Antonio Cabrito ngunit humarang ang nakababatang kapatid.
Napag-alaman na pauwi na sana ang magkapatid galing sa kanilang maisan nang mangyari ang insidente.
Nagtamo ng walong tama ng bala ang biktima sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan sanhi ng pagkamatay nito.
Tinitingnang motibo sa krimen ang hindi raw pagpapahiram ng kabayo ni Antonio.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang search operation ng Lake Sebu-Philippine National Police laban sa suspek.
Samantala, agad nagbigay ng tulong si Lake Sebu Mayor Floro Gandam sa pamilya ng biktima.
Hustisya naman ang sigaw ng pamilya ng nasabing biktima kasunod ng nangyaring pamamaril