BAGUIO CITY– Nakilala na ang bankay ng isang lalakng naunang nakitang nakahandusay sa kalasadang malapit sa construction site sa Pinsao Proper, Baguio City noong Marso 2.

Nasa edad 52 ang lalaki, isang convoy sa La Trinidad Trading Post, residente ng siyudad at ken tubong Leyte.

Ayon kay PCapt. Dencio Dayao, kinilala ng pamilya ang bankay dahil na rin sa tulong ng social media kung saan dito nila nakita at nabasa ang balita tungkol sa kanilang kamag-anak.

Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng biktima batay sa hiling ng kanyang pamilya.

Nalaman sa imbestigasyon ng mga otoridad na dati nang nasangkot ang lalaki sa kasong robbery.

Samantala, iniuwi na nang pamilya ang bankay sa La Trinidad, Benguet habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para sa pagkilala sa/mga suspek.