TACLOBAN CITY -Hawak na ng mg kapulisan an suspek sumaksak patay sa isang lalaki sa Purok-1 Brgy. Lambao, Sta. Margarita, Samar.

Una nito nakatanggap ng impormasyon ang Sta Margarita PNP galing sa isang concerned citizen na may nakita daw silang bangkay na nandun sa palayan ng kanilang barangay

Positibo naman na kinilala ng mga residente ang biktima na si Renato Matuguina, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Canipulan bungto bayan ng Sta. Margarita,.

Dahil naman sa cctv camera ng barangay nakilala ng mga pulis ang suspek na si Jayson Astillo, 31 taong gulang

Ayon kay Police Senior Inspector Zaldy Cagambang, acting Chief of Police ng Sta Margarita PNP pareho daw nakainom ang suspek at ang biktima ng magkita ito sa isang inuman.

Dalawang beses daw itong nagkaroon ng mainit na pagtatalo dahil ninakaw daw ng biktima ang PHP 3,000 na pera ng suspek pero naawat pa ito

Hindi naman napansin ng biktima na sinundan ito ng supek at ng makatiyempo ay pinagtataga at pinagsasaksak niya

Nagtamo ito ng higit sa sampung mga sugat sa katawan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sising sisi naman si Astillo sa kanyang ginawa nung mahimasmasan at ngayon ay nahaharap sa kasong murder.