-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kaliwang dibdib ang isang lalaking nagpakamatay sa kanilang tahanan sa San Manuel, Isabela.

Ang nagpakamatay ay si Perfecto Marzo Jr.,36 anyos, may-asawa, residente ng District 2, San Manuel, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Police Executive Master Sgt. Romeo Flores, tagasiyasat ng San Manuel Police Station na nagbaril sa puso si Marzo gamit ang Caliber 45 pistol.

Inihayag ni Police Executive Master Sgt. Romeo Flores na nakatanggap sila ng tawag may kaugnayan sa pagpapakamatay ni Marzo.

Batay sa kanilang pagtatanong sa magulang ni Marzo ay ipinagamot nila sa albularyo dahil sumasakit ang ulo at nanghihina ang anak

-- Advertisement --

Nag-iwan anya ng sulat sa kanyang asawa bago ang pagpapakamatay ni Marzo at may mga ibinilin sa misis kaugnay sa kanilang pag-aani.

Kumbinsido anya ang mga magulang at asawa na nagpakamatay na si Perfecto Marzo batay sa nilalaman ng iniwang sulat.