-- Advertisements --

Pinaghahanap na raw ng Manila Police District (MPD) ang mga lalaking nagbayad umano sa ilang street vendors para magbenta ng Chinese flag sa paligid ng Rizal Park.

Sinabi ni MPD Station 5 commander police Col. Igdemeo Bernaldez, ito’y tugon ng pulisya sa viral post sa social media kamakailan ukol sa pagbebenta ng Chinese flag ilang araw bago mag Independence Day.

Sa ngayon nakikipagtulungan na raw ang MPD sa National Parks Development Committee para makakuha ng CCTV footages sa lugar.

Batay sa ulat, tatlong lalaki ang nasa likod ng paguutos sa mga street vendors ng Luneta na magbenta ng watawata ng China.