-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pumunta na lamang sa sementeryo ang isang lalaki na may sintomas ng COVID-19 matapos di-umano’y pansinin sa ospital.

Una nang pinayuhan ng mga barangay health authorities ng Barangay Lubogan Toril lungsod ng Davao, ang naturang pasyente na magpa-check up sa Southern Philippines Medical Center dahil nakitaan umano ito ng sintomas ng coronavirus disease.

Inihayag ni Barangay Capt. Levi Fortuna ng Brgy Lubogan Toril, posibleng nabagot ang pasyente dahil matagal itong inasikaso ng mga doktor sa SPMC kung kaya’t umalis ito sa ospital at umuwi sa kanilang bahay pero sa sementeryo na ito nakita ng mga police.

Sa ngayon, inilagay na ang naturang pasyente sa isang quarantine facility dito sa lungsod ng Dabaw.

Samantala, nakapagtala naman ng siyam na mga bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ngayong araw, kaya umabot na sa 99 ang COVID-19 active positive cases nito, habang 111 naman ang naka-recover at nanatili sa 25 ang namatay.