Pumanaw na ang lalaking Iranian na nanirahan sa paliparan ng Paris sa loob ng 18 taon.
Si Mehran Karimi Nasseri ay nanirahan sa isang bahagi ng Roissy Charles de Gaulle airport na ginawa niyang tirahan mula pa noong 1988.
Natagpuan na lamang ito ng walang malay ng mga opisyal ng paliparan.
Binigyan siya ng karapatan na manirahan sa France pero mas minabuti niyang bumalik sa paliparan.
Isinilang noong 1945 sa probinsiya ng Khuzestan sa Iran at nagtungo sa Europa para hanapin ang kaniyang ina.
Ilang taon itong nanirahan sa Belgium at pinalayas sa mga bansa gaya ng United Kingdom, the Netherlands at Germany dahil sa walang kaukulang immigration documents.
Bagamat nabigyan ng refugee status at karapatan na manirahan sa France noong 1999 ay mas minabuti niyang manirahan sa paliparin.
Noong 2005 ay dinala ito sa pagamutan dahil sa sakit at nanirahan sa hostel gamit ang pera na natanggap mula sa pelikula.
Noong nakaraang mga linggo ay muling bumalik ito sa paliparan.
Nagka-interest ang kilalang movie producer na si Stephen Spielberg at ginawang pelikula ang buhay nito na pinagbidahan ni Tom Hanks at Catherine Zeta-Jones.