Nasa kustodiya na ngayon ng Talisay police station ang isang 23 anyos na lalaki matapos maaresto dahil sa pagbabanta nitong ipakalat ang hubad na larawan ng karelasyon nito sa gawang dummy account.
Kinilala ang suspek na si Robert Debulosan, 23 anyos at residente ng Canbantog bayan ng Argao, Cebu.
Una rito, inireklamo ng isang 19 anyos na dalagang residente ng Talisay City ang suspek kung saan gumamit ng dummy account sa pangalang John Mark Samson at pinagbantaan ito kung ayaw niyang makipagkita.
Agad namang nagsagawa ng entrapment operation dahilan nang pagkaaresto sa suspek .
Nakunan pa ito ng tatlong pakete ng hinihinalang shabu at iginiit na hindi ito gumamit ng iligal na druga.
Nahaharap ngayon si Debulosan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.