-- Advertisements --

Natagpuan ang putol-putol na katawan ng isang lalaki sa bahagi ng Brgy. San Jose, bayan ng Rodriguez, lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Rodriguez Municipal Police Station chief of police, Lt. Col. Marcelino Pipo, nakilala ang biktima na si Ramil Jugar, 38, residente ng Brgy. Muzon sa bayan ng Taytay.

Natagpuan ang chop-chop na bangkay ni Jugar sa bahagi ng Zigzag road sa Don Mariano Avenue bunsod ng isang tawag na natanggap ng pulisya.

Nakasilid ang magkakahiwalay na bahagi ng katawan ni Jugar tulad ng ulo, paa, braso at torso sa 4 na kulay itim na garbage bag nuong umaga.

Bagaman inaalam pa ang motibo ng mga salarin, naniniwala si Col. Pipo na posibleng matinding galit umano ang dahilan ng karumal-dumal na krimen.