Nahaharap na raw sa patong-patong na kaso ang lalaking bumunot ng baril at nagbanta sa isang driver.
Una rito, kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi raw empleyado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naturang lalaki.
Ang lalaking bumunot ng baril ay nagpakilala noon na isang empleyado ng NBI.
Sinabi ni Guevarra,na pinatatawag na raw ang naturang driver sa Hunyo 17 para sa isasagawang imbestigasyon.
Posible itong maharap sa kasong paglabag sa Commission on Election (Comelec) gun ban kapag wala itong exemption, grave threat, coercion, usurpation of authority, at illegal possession of firearm kapag wala itong lisensiya.
Sa kumalat na video, sinabi ng suspek na ito ay taga-NBI ay hinihiling nito sa isang driver na ilabas ang kanyang lisensiya matapos umanong harangin ang kanyang sasakyan habang nagsasagawa ang mga ito ng operasyon.
Hindi naman nagpatinag ang driver ay sinabi nitong mula ito sa Office of the President.
Sinabi nitong kinuhanan niya ng video ang lalaki matapos maglabas ng baril at nagpakilala pang taga-NBI.