Hinatulang makulong ng apat na buwan ang isang lalaki sa Denmark dahil sa pag-ubo sa harap ng dalawang kapulisan.

Nangyarin ang insidente noong Marso 2020 sa isang routine traffic stop habang ang nasabing bansa ay naka-lockdown.

Bukod sa pag-ubo ay sumigaw pa ang lalaki na ito ay “corona virus”.

Kahit na nagnegatibo ito sa COVID-19 ay itinuloy pa rin ng kapulisan ang nasabing kaso.